MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT PARA SA MGA LARO
Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Mayo 26, 2021
1. Pagtanggap sa Mga Tuntunin ng Paggamit na Ito
Ang mga tuntunin ng paggamit na ito, kabilang ang anumang dokumento na malinaw na isinasama sa mga ito (sama-samang tinatawag na “Mga Tuntunin ng Paggamit”) ay sinasang-ayunan mo at ng Innersloth LLC, na isang kumpanya sa Washington na may limitadong pananagutan (ang “Innersloth,” “kami,” “namin,” at mga derivative ng mga ito). Saklaw ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ang iyong paggamit ng mga video game na pina-publish at ipinapamahagi namin, kabilang ang Among Us, Dig2China, at The Henry Stickmin Collection (sama-samang tinatawag na “Mga Laro”, at ang bawat isa ay “Laro”).
ANG MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO AY NAGLALAMAN NG NAPAKAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA IYONG MGA KARAPATAN AT OBLIGASYON, PATI NA RIN NG MGA KUNDISYON, LIMITASYON, AT PAGBUBUKOD NA MAAARING NALALAPAT SA IYO. PAKIBASA NANG MABUTI ANG MGA ITO. SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG ANUMAN SA MGA LARO, SUMASANG-AYON KANG MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO AT SUSUNOD KA SA AMING MGA KAGAWIAN SA PRIVACY GAYA NG INILALARAWAN SA AMING PATAKARAN SA PRIVACY (MAKIKITA SA HTTPS://INNERSLOTH.COM/PRIVACY.PHP) (ANG “PATAKARAN SA PRIVACY”) NA ISINASAMA SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO. KUNG HINDI KA SUMASANG-AYONG MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO O KUNG HINDI KA SUSUNOD SA AMING MGA PATAKARAN SA PRIVACY GAYA NG INILALARAWAN SA PATAKARAN SA PRIVACY, HUWAG GAMITIN ANG ANUMAN SA MGA LARO.
Upang sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, ikaw dapat ay (a) 18 taong gulang pataas, o may pahintulot ng iyong magulang o guardian na sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at dapat ay (b) may kakayahan kang pumasok sa isang may bisang kontrata sa amin at walang anumang naaangkop na batas na nagbabawal sa iyong isagawa ito.
2. Patakaran sa Privacy
Napapailalim sa aming Patakaran sa Privacy ang lahat ng personal na impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng Mga Laro. Ipaalam sa amin kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa aming mga kagawian na nauugnay sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit, pinoprotektahan, sino-store, inihahayag, at ipinoproseso ang iyong personal na impormasyon.
3. Mga Account para sa Mga Laro
Kailangan mong magbigay ng napapanahon at tumpak na impormasyon na maaaring hingin bilang bahagi ng proseso ng pagpaparehistro at/o upang patuloy na magamit ang Mga Laro. Tungkulin mo ang panatilihin ang pagiging kumpidensyal ng impormasyon ng iyong account para sa Mga Laro.
Kailangan mo kaming abisuhan kaagad tungkol sa anumang paglabag sa seguridad na nauugnay sa Mga Laro, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa hindi awtorisadong paggamit ng iyong account. Upang matiyak ang seguridad ng iyong account, mag-sign out sa iyong account pagkatapos ng bawat session.
4. Mga In-Game na Pagbili
Kung mayroon kang anumang bibilhin In-Game, sumasang-ayon ka sa mga tuntunin at kundisyon at/o sa EULA ng app store (hal., Google Play Store, iOS App Store, o Steam Store) na sumasaklaw sa Larong na-install mo, at ididirekta mo sa app store na iyon ang lahat ng komunikasyong nauugnay sa mga naturang In-Game na pagbili, kabilang ang anumang kahilingan para sa mga refund.
5. Mga Karapatan sa Intellectual Property
Ang lahat ng aspeto ng Mga Laro, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa anumang work of authorship (hal., anumang trailer, larawan, tunog, atbp.), trademark, feature, o functionality, at iba pang intellectual property na nasa, bumubuo sa, at/o pangunahing bahagi ng Mga Laro (sama-samang tinatawag na “Innersloth IP”) ay pagmamay-ari ng Innersloth, mga tagapaglisensya nito, o iba pang provider ng naturang materyal at pinoprotektahan ang mga ito ng copyright, trademark, patent, trade secret, at o iba pang karapatan o batas sa intellectual property o sa pagmamay-ari ng United States at ng ibang bansa.
©2015 Ang Innersloth LLC, Among Us™, Dig2China™, at The Henry Stickmin Collection™, at lahat ng nauugnay na laro, logo, pangalan ng produkto at serbisyo, disenyo, at slogan ay mga trademark ng Innersloth o ng mga affiliate o tagapaglisensya nito. Hindi mo dapat gamitin ang mga naturang marka nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Innersloth, at nakalaan sa Innersloth ang lahat ng karapatan. Ang lahat ng iba pang pangalan, logo, pangalan ng produkto at serbisyo, disenyo, at slogan sa Mga Laro ay mga trademark ng mga kaukulang may-ari ng mga ito.
6. Feedback
Maaari mong piliing magbigay sa amin ng Feedback sa hindi pormal na paraan paminsan-minsan. Sumasang-ayon ka na magiging pagmamay-ari ng Innersloth ang, at na ibinibigay mo sa Innersloth, ang iyong mga karapatan sa intellectual property sa at sa anuman at lahat ng Feedback at na malaya ang Innersloth na gamitin, ihayag, i-reproduce, lisensyahan, ipamahagi, at gamitin ang Feedback na ibinigay rito, nang walang royalty, na ganap na walang anumang uri ng obligasyon o paghihigpit dahil sa mga karapatan sa intellectual property o iba pang bagay. Ang “Feedback” ay tumutukoy sa anumang feedback, ideya, o iminungkahing pagpapahusay na ibinibigay mo sa Innersloth tungkol sa Mga Laro.
7. Limitadong Lisensya Upang Magamit ang Mga Laro
Ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay nagbibigay sa iyo ng pahintulot na gamitin ang Mga Laro at tingnan at gamitin ang content na napapaloob sa Mga Laro para sa iyong personal at hindi pangkomersyong paggamit lang. Bukod pa rito, ang iyong paggamit ng naturang Mga Laro ay maaaring napapailalim sa isang kasunduan sa lisensya ng end-user o iba pang nakasulat na tuntunin (“EULA”). Kung sakaling magkaroon ng anumang salungatan o pagkakaiba sa pagitan ng mga tuntunin ng anumang naturang EULA at ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, ang naturang EULA ang mangingibabaw. Kaugnay sa bawat Laro, ang lisensyang isinasaalang-alang ng talata na ito ay nagbibigay sa iyo ng hindi eksklusibo, hindi naililipat, hindi maaaring i-sublicense, at limitadong karapatan at lisensya na gamitin ang isang kopya ng Laro para sa iyong personal at hindi pangkomersyong paggamit para sa paglalaro. Bilang paglilinaw, ang nabanggit na lisensya kaugnay ng bawat Laro ay ibinibigay lang sa mga taong bumili sa amin o sa isa sa aming mga third-party na distributor ng Laro o kaya ay binigyan namin o ng isa sa aming mga third party na distributor ng access sa partikular na Laro, na napapailalim sa anumang naaangkop na EULA at iba pang naaangkop na obligasyon. Hindi mo dapat i-reproduce, ipamahagi, baguhin, gayahin, ipakita sa publiko, isagawa sa publiko, muling i-publish, i-download, i-store, o ilipat ang anuman sa mga materyal na nasa Mga Laro; Hindi mo dapat i-access o gamitin para sa anumang pangkomersyong layunin ang anumang bahagi ng Mga Laro o materyal na available sa pamamagitan ng mga ito; Walang karapatan, titulo, o interes sa Mga Laro o anumang content nito na inililipat sa iyo, at nakalaan sa Innersloth ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinibigay. Ang anumang paggamit ng Mga Laro na hindi hayagang ipinapahintulot ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at maaaring labag ito sa mga batas sa copyright, trademark, at iba pang batas.
8. Limitadong Lisensya Upang I-broadcast ang Paglalaro
Naniniwala ang Innersloth na pinakamahusay na naihahatid ang Mga Laro sa pamamagitan ng aktibo at masayang komunidad ng mga user. Upang mahikayat ang paglaki at pag-unlad ng komunidad, ang bawat user (“Nagbo-broadcast na User”) ay binibigyan namin ng limitado, nababawi, at walang royalty na lisensya na mag-broadcast (ibig sabihin, mag-upload at mag-livestream) ng sariling paglalaro ng Nagbo-broadcast na User sa Laro, kabilang ang mga tunog at musika sa laro (“Bino-broadcast na Content”).
Bilang pagsuporta sa iyong paggamit ng nabanggit na limitadong lisensya, maaari mong ipagpalagay na ang iba pang user na kasama mo sa paglalaro ay nagbigay sa iyo ng hindi eksklusibong mga karapatan sa performance para sa kanilang mga bahagi sa iyong Bino-broadcast na Content, maliban na lang kung o hanggang sa abisuhan kang nag-opt out ang nauugnay na user alinsunod sa mga probisyong nakabalangkas sa ibaba. Hanggang sa mag-opt out ang isang user, ang aming lisensya na nauugnay sa Bino-broadcast na Content na kinabibilangan ng user na iyon ay binabawi.
Maaaring bawiin ng sinumang user ang pahintulot ng naturang user sa isang Nagbo-broadcast na User na maisama sa isang Bino-broadcast na Content sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakasulat na abiso sa Nagbo-broadcast na User hinggil sa kanyang desisyon na mag-opt out (“Abiso sa Pag-opt Out”). Depende sa sitwasyon, ang Innersloth ay maaari ring magbigay ng Mga Abiso sa Pag-opt Out sa ngalan ng user, ngunit walang anumang obligasyon ang Innersloth na gawin ito. Kapag nakatanggap ng Abiso sa Pag-opt Out, dapat alisin kaagad ng Nagbo-broadcast na User ang Bino-broadcast na Content o kaya ay dapat niyang baguhin ang Bino-broadcast na Content upang alisin ang iba pang (mga) user. Walang anumang pananagutan ang Innersloth para sa pagtiyak na nasusunod ang nabanggit.
Ang limitadong lisensya sa itaas ay napapailalim sa mga sumusunod na karagdagang kundisyon:
(a) ang isang Nagbo-broadcast na User ay maaaring Mag-broadcast ng Content at ipamahagi ang naturang Bino-broadcast na Content sa kanyang website, o sa iba pang website, kung saan mapapanood ng kahit na sino ang Bino-broadcast na Content nang libre;
(b) Kabilang sa ilan sa mga tinatanggap na uri ng Bino-broadcast na Content ang, ngunit hindi limitado sa, mga let’s play video, walkthrough, speedrun, tutorial, review, reaksyon, instructional, at iba pang video na may komentaryo mo;
(c) ang Bino-broadcast na Content ay mahigpit dapat na sumusunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, sa anumang naaangkop na EULA, at sa Patakaran sa Privacy;
(d) ang isang Nagbo-broadcast na User ay hindi maaaring maghayag ng anumang hindi opisyal na ni-release, hindi awtorisado, o nag-leak na video o anumang uri ng content na nauugnay sa Mga Laro;
(e) hindi maaaring gamitin ng Nagbo-broadcast na User ang Bino-broadcast na Content upang kumita o makakuha ng anupamang pinansyal na benepisyo, ngunit maaaring i-monetize ng Nagbo-broadcast na User ang Bino-broadcast na Content sa pamamagitan ng mga partner program at/o advertising, sa kundisyong ang naturang Bino-broadcast na Content ay libreng maa-access ng publiko;
(f) ang Mga Nagbo-broadcast na User ang may ganap na pananagutan na tiyaking ang kanilang Bino-broadcast na Content, at anumang monetization ng Bino-broadcast na Content ay ganap na sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas, tuntunin ng paggamit, patakaran, panuntunan, at alituntunin; at
(g) maaaring bawiin ng Innersloth ang lisensya ng Nagbo-broadcast na User na i-broadcast ang Bino-broadcast na Content para sa anumang dahilan o nang walang dahilan at nang walang abiso.
9. Mga Modded na Bersyon ng Mga Laro
Kung binili mo ang Laro o kung legal ka naming binigyan ng access sa Laro, maaari mo itong baguhin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga modipikasyon, tool, o plugin na gumagawa ng mga bagong content o feature sa Laro (isang “Modded na Bersyon”), sa kundisyong sumusunod ka sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at sa aming Patakaran sa Mod. Ipinagbabawal ang anumang Modded na Bersyon na lumalabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o sa aming Patakaran sa Mod. Maaaring bawiin ng Innersloth, ayon sa sariling pagpapasya nito, ang iyong pahintulot na gumawa ng Modded na Bersyon anumang oras at para sa anumang dahilan.
10. Fan Content
Tumutukoy ang “Fan Content” sa iyong fan art (tulad ng artwork, mga larawan, mga video, at iba pang materyal) na batay sa Innersloth IP. Maaari kang gumawa ng Fan Content sa kundisyong sumusunod ka sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at sa aming Patakaran sa Content at Mga Alituntunin sa IP. Ipinagbabawal ang anumang Fan Content na lumalabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o sa aming Patakaran sa Fan Content at Mga Alituntunin sa IP. Maaaring bawiin ng Innersloth, ayon sa sariling pagpapasya nito, ang iyong pahintulot na gumawa ng Fan Content anumang oras at para sa anumang dahilan.
11. Mga Ipinagbabawal na Paggamit
Maaari mo lang gamitin ang Mga Laro para sa mga legal na dahilan at alinsunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Bukod pa sa mga obligasyong nakasaad sa itaas, sumasang-ayon kang huwag:
(a) gamitin ang Mga Laro sa anumang paraang lumalabag sa mga naaangkop na batas, samantalahin o saktan ang sinuman, magpadala ng advertisement o pampromosyong materyal, o magpanggap o subukang magpanggap bilang Innersloth o sinupamang tao;
(b) gamitin ang Mga Laro upang magsumite ng o mag-link sa anumang content na mapanirang-puri, mapang-abuso, mapoot, nananakot, spam o kagaya ng spam, malamang na makapanakit, naglalaman ng pang-adult o hindi kanais-nais na content, naglalaman ng personal na impormasyon ng iba, posibleng lumabag sa copyright, naghihikayat ng ilegal na aktibidad, o lumalabag sa anumang batas;
(c) gamitin ang Mga Laro upang labagin ang mga legal na karapatan ng iba, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga karapatan sa privacy, publicity, at intellectual property sa pamamagitan, bilang halimbawa, ng pangongolekta o pag-store ng anumang personal na impormasyon mula sa Mga Laro tungkol sa sinuman nang walang kanilang malinaw na pahintulot;
(d) alisin ang anumang abiso tungkol sa copyright, trademark, o iba pang karapatan sa pagmamay-ari na nakasaad sa Mga Laro;
(e) pahintuin ang paggana ng, pahirapan, sirain, o pahinain (o subukang pahintuin ang paggana, pahirapan, sirain, o pahinain) ang Mga Laro o na manghimasok sa paggamit ng sinupamang tao sa Mga Laro;
(f) magsagawa ng anumang iba pang pagkilos na nakakaapekto sa paggamit ng Mga Laro ng sinupamang tao, o kung matutukoy namin na maaaring magdulot ng kapahamakan sa Innersloth ang naturang pagkilos;
(g) mandaya, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa pag-access sa Mga Laro sa pamamagitan ng hindi awtorisadong paraan, paglalaro gamit ang maraming account para sa iisang Laro, pagbabahagi ng mga account, paggamit ng anumang technique upang baguhin o palsipikahin ang lokasyon ng device (halimbawa, sa pamamagitan ng panggagaya ng GPS), pagbabago sa iyong edad sa anumang Laro, at pagbebenta o pakikipagpalitan ng mga account;
(h) gumamit ng anumang robot, spider, o iba pang awtomatiko o manual na device, proseso, o mga paraan upang i-access ang Mga Laro para sa anumang layunin, kabilang ang pagsubaybay o pagkopya ng anuman sa mga materyal na nasa Mga Laro;
(i) baguhin, iangkop, isalin, o i-reverse engineer ang anumang bahagi ng Mga Laro, maliban sa Mga Modded na Bersyon alinsunod sa Seksyon 9;
(j) gumamit ng anumang device, software, o routine na pumipigil sa maayos na paggana ng Mga Laro;
(k) magpasok ng anumang virus, Trojan horse, worm, logic bomb, o iba pang materyal na mapaminsala o nakakasira sa teknolohiya;
(l) sumubok na makakuha ng hindi awtorisadong access sa, abalahin ang, sirain ang, o guluhin ang anumang bahagi ng Mga Laro, kabilang ang anumang server kung saan naka-store ang Mga Laro, o ang anumang server, computer, o database na nakakonekta sa Mga Laro;
(m) atakihin ang Mga Laro sa pamamagitan ng pag-atakeng denial-of-service o pag-atakeng distributed denial-of-service;
(n) o subukang guluhin ang wastong paggana ng Mga Laro; at
(o) hikayatin o bigyang-kakayahan ang sinupamang tao na isagawa ang anuman sa mga nabanggit.
Bilang karagdagan, upang matiyak na ang Mga Laro ay isang ligtas at bukas na espasyo para sa lahat ng user, sumasang-ayon kang i-report sa amin ang sinumang user na sa palagay mo ay lumalabag sa anuman sa mga nabanggit na paghihigpit sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa [email protected].
Bagama’t walang obligasyon ang Innersloth na subaybayan ang pag-access sa o ang paggamit ng Mga Laro, mayroon kaming karapatang gawin ito para sa pagpapatakbo at pag-update ng Mga Laro, upang matiyak na nasusunod ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at upang makasunod sa naaangkop na batas o iba pang iniaatas ng batas. Nakalaan sa amin ang karapatan, ngunit wala kaming obligasyon, na alisin, i-disable, o suspindihin ang access mo o ng sinumang user sa anuman sa Mga Laro, anumang oras at nang walang abiso, kabilang ang, nang walang limitasyon, sa sitwasyon kung saan ang anumang aktibidad kapag ginagamit ang Mga Laro ay maituturing namin, ayon sa sarili naming pagpapasya, na hindi katanggap-tanggap o labag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Mayroon kaming karapatang mag-imbestiga ng mga paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o ng pagkilos na nakakaapekto sa Mga Laro, at na kumonsulta at makipagtulungan sa mga awtoridad ng tagapagpatupad ng batas upang maihabla ang mga user na lumalabag sa batas.
12. Pagtitiwala sa Impormasyong Naka-post
Hindi namin ginagarantiyahan ang pagiging tumpak, kumpleto, o kapaki-pakinabang ng anumang impormasyong ginawang available sa pamamagitan ng Mga Laro. Ikaw lang ang mananagot para sa anumang pagtitiwala mo sa naturang impormasyon. Itinatatwa namin ang lahat ng pananagutan at responsibilidad na dahil sa pagtitiwala mo o ng sinupamang user ng Mga Laro sa mga naturang materyal, o na dahil sa pagtitiwala sa mga ito ng sinumang maaaring inabisuhan tungkol sa anuman sa mga content ng Mga Laro.
13. Mga link sa at mula sa Mga Laro
Maaari kang mag-link sa aming Mga Laro, sa kundisyong isasagawa mo ito sa paraang patas at legal at hindi nito nasisira ang aming reputasyon at hindi ito nasasamantala, ngunit hindi ka dapat bumuo ng link sa paraang nagpapahiwatig ng anumang anyo ng kaugnayan, pag-apruba, o pag-eendorso mula sa panig namin.
Kung ang Mga Laro ay naglalaman ng mga link sa iba pang site at resource na ibinibigay ng mga third-party, ang mga link na ito ay ibinibigay para sa iyong kaginhawahan lang. Wala kaming kontrol sa mga content ng mga site o resource na iyon at wala kaming tinatanggap na responsibilidad para sa mga ito o para sa anumang pagkalugi o pagkasira na maaaring magresulta mula sa paggamit mo sa mga ito.
14. Mga Update at Pagbabago sa Mga Laro at Pagiging Hindi Available ng Mga Laro
Nakalaan sa amin ang karapatang bawiin o baguhin ang Mga Laro ayon sa sarili naming pagpapasya nang walang abiso. Hindi kami mananagot para sa anumang dahilan kung bakit hindi available ang buo o ang anumang bahagi ng Mga Laro anumang oras o para sa anumang panahon, at wala kaming obligasyong suportahan ang (mga) nakaraang bersyon ng Mga Laro kapag may naging available na update, upgrade, o kapag naglapat ng mga karagdagang feature.
15. Pagwawakas
Maaari naming wakasan ang iyong access sa at paggamit ng Mga Laro, ayon sa sarili naming pagpapasya, anumang oras at nang hindi ka inaabisuhan. Pagkatapos ng pagwawakas ng Mga Laro, patuloy pa ring iiral ang Seksyon 5, 6, 12, 13, 16, 17, 18, 22, 23, at 24.
16. DISCLAIMER NG MGA WARRANTY
HAYAGAN KANG SUMASANG-AYON NA IKAW LANG ANG MANANAGOT PARA SA IYONG PAGGAMIT NG MGA LARO. ANG MGA LARO AT ANG LAHAT NG SOFTWARE, IMPORMASYON, CONTENT, MATERYAL, AT PRODUKTONG KASAMA SA O NA INILALAAN PARA SA IYO SA PAMAMAGITAN NG MGA LARO AY IBINIBIGAY NG INNERSLOTH SA “KASALUKUYANG KUNDISYON” NG MGA ITO AT “KUNG AVAILABLE” ANG MGA ITO. HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, ITINATATWA NG INNERSLOTH ANG LAHAT NG URI NG WARRANTY, IPINAHAYAG MAN O IPINAHIWATIG, ISINABATAS, O SA IBA PA MANG PARAAN, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, ANUMANG WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, HINDI PAGLABAG, AT KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN. SA PARAANG HINDI NILILIMITAHAN ANG NABANGGIT NA, ANG INNERSLOTH O ANG SINUMANG NAUUGNAY SA INNERSLOTH AY HINDI NAGSASAAD O NAGPAPATUNAY NA ANG MGA LARO, ANG SOFTWARE, IMPORMASYON, CONTENT, MGA MATERYAL, AT MGA PRODUKTO NG MGA LARO, O ANG MGA ELECTRONIC NA KOMUNIKASYONG IPINAPADALA MULA SA INNERSLOTH TUNGKOL SA MGA LARO AY MAGIGING TUMPAK, MAAASAHAN, WALANG ERROR, O HINDI NAAANTALA, NA IWAWASTO ANG MGA DEPEKTO, NA ANG MGA LARO O ANG SERVER NA GINAGAWANG AVAILABLE ANG MGA ITO PARA SA IYO AY WALANG VIRUS O IBA PANG MAPAMINSALANG COMPONENT, O NA MATUTUGUNAN NG MGA LARO ANG IYONG MGA PANGANGAILANGAN O INAASAHAN.
ANG NABANGGIT AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA ANUMANG WARRANTY NA HINDI MAAARING IBUKOD O LIMITAHAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS.
17. LIMITASYON NG PANANAGUTAN
HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NG PINAPAHINTULUTAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG INNERSLOTH, MGA AFFILIATE, TAGAPAGLISENSYA, AT PROVIDER NG SERBISYO NG MGA ITO, AT ANG KAUKULANG MGA MIYEMBRO, OPISYAL, DIREKTOR, EMPLEYADO, CONTRACTOR, AHENTE, TAGAPAGLISENSYA, SUPPLIER, SUCCESSOR, AT ITINALAGA NITO AT NG MGA ITO AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG URI NG SIRA, SA ILALIM NG ANUMANG LEGAL NA TEORYA, NA DAHIL SA O NAUUGNAY SA (A) MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO O SA (B) PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG GAMITIN ANG MGA LARO O ANG CONTENT NG MGA ITO, KABILANG ANG ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHIHINATNAN, O MGA DANYOS NA PAMPARUSA, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA PERSONAL NA PINSALA, PANANAKIT AT PAGHIHIRAP, EMOSYONAL NA PAGKABALISA, PAGKALUGI NG KITA, PAGKALUGI NG TUBO, PAGKALUGI NG NEGOSYO O INAASAHANG SAVINGS, PAGKAWALA NG KAKAYAHANG GUMAMIT, PAGKAWALA NG GOODWILL, PAGKAWALA NG DATA, AT KUNG DAHIL ITO SA BATAS SA KAPABAYAAN (KABILANG ANG PAGKUKULANG), PAGLABAG SA KONTRATA, O IBA PANG BAGAY, KAHIT NA INAASAHAN.
ANG NABANGGIT AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA ANUMANG PANANAGUTAN NA HINDI MAAARING IBUKOD O LIMITAHAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS.
HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG KABUUANG HALAGA NG PANANAGUTAN NG INNERSLOTH NA DAHIL SA O MAY KAUGNAYAN SA (A) MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO O SA (B) PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG GAMITIN ANG MGA LARO O ANG CONTENT NG MGA ITO AY HINDI LALAMPAS SA ISANG LIBONG UNITED STATES DOLLARS ($1,000.00 USD). ANG MGA PAGBUBUKOD AT LIMITASYON NG MGA DANYOS NA NAKASAAD SA ITAAS AY MGA PANGUNAHING ELEMENTO NG BATAYAN NG KASUNDUAN SA PAGITAN MO AT NG INNERSLOTH.
18. Pagbabayad-danyos
Sumasang-ayon kang ipagtanggol ang, magbayad ng danyos sa, at hindi papanagutin ang Innersloth, mga affiliate, tagapaglisensya, at provider ng serbisyo nito, at ang mga kaukulang miyembro, opisyal, direktor, empleyado, contractor, ahente, tagapaglisensya, supplier, successor, at itinalaga nito at ng mga ito mula sa at laban sa anumang habol, pananagutan, danyos, hatol, gantimpala, pagkalugi, gatusin, bayarin, o bayad (kabilang ang makatuwirang bayad sa abogado) na dulot ng o nauugnay sa iyong paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o sa paggamit mo ng Mga Laro.
19. Mga User ng Epic Games
Kung na-install mo ang Laro sa pamamagitan ng Epic Games Store, nalalapat ang mga sumusunod na karagdagang tuntunin: Itinatatwa ng Epic Games ang anumang pagsasaad, warranty, kundisyon, at pananagutang nauugnay sa anuman at sa lahat ng materyal at impormasyong ibinibigay ng Epic Games para sa Mga Laro, kabilang ang SDK, developer portal, at ang data ng mga end-user nito.
20. Mga User ng PlayStation
Ang mga sumusunod na karagdagang tuntunin ay nalalapat kung saan ginagamit mo ang Mga Laro sa isang PlayStation system: ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay sa pagitan mo at namin, ang Innersloth LLC, hindi sa pagitan mo at ng Sony Interactive Entertainment LLC (“SIE”) o anuman sa mga affiliate nito. Gayunpaman, ang SIE at ang mga affiliate nito ay mga nakikinabang na third-party ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Tanging kami ang may pananagutan para sa Mga Laro, at hindi ang SIE o alinman sa mga affiliate nito.
21. Mga User ng iOS
Kung na-install mo ang Laro sa pamamagitan ng iOS App Store, nalalapat ang mga sumusunod na karagdagang tuntunin:
(a) kinikilala mo at ng Innersloth na ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay hindi sa Apple, at walang pananagutan ang Apple sa Laro o sa content nito;
(b) hindi mo maaaring gamitin ang Laro sa anumang paraang lumalabag o hindi naaayon sa mga panuntunan sa paggamit ng Apple o sa mga tuntunin ng iOS App Store (sama-samang tinatawag na “Mga Tuntunin ng Apple”);
(c) ang iyong lisensya upang gamitin ang Laro ay limitado sa isang hindi naililipat na lisensya upang gamitin ang Laro sa isang produkto ng iOS na pagmamay-ari o kinokontrol mo, gaya ng ipinapahintulot ng Mga Tuntunin ng Apple;
(d) kinikilala mo na walang anumang obligasyon ang Apple na magbigay ng anumang serbisyo sa maintenance o suporta na nauugnay sa Laro;
(e) kinikilala mo na walang responsibilidad ang Apple sa anumang warranty ng produkto o software, nakasaad man sa o ipinahihiwatig ng batas; at sa anumang sitwasyon kung saan hindi nasunod ng Laro ang anumang naaangkop na warranty, maaari mong abisuhan ang Apple, sa pamamagitan ng mga paraang inilalarawan sa iOS App Store, at ire-refund sa iyo ng Apple ang presyo sa pagbili para sa Laro, kung mayroon man, at hanggang sa sagad na sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na Batas, ang Apple ay hindi magkakaroon ng anupamang obligasyon sa warranty na nauugnay sa Laro, o sa anupamang habol, pagkalugi, pananagutan, danyos, bayad, o gastusing may kaugnayan sa anumang pagkabigong sumunod sa anumang warranty, hangga’t hindi ito maaaring itatwa sa ilalim ng naaangkop na batas;
(f) kinikilala mo at ng Innersloth na ang Innersloth ang natatanging may responsibilidad sa pagtugon sa anumang habol mo o ng anumang third-party na nauugnay sa Laro o sa iyong pagmamay-ari o paggamit ng Laro, kabilang ang mga habol sa pananagutan sa produkto, anumang habol kung saan ang Laro ay hindi nakakasunod sa anumang naaangkop na pag-aatas ng batas o regulasyon, at anumang habol na nagmumula sa proteksyon sa consumer o katulad na batas; at kung sakaling may anumang habol ng third-party na ang Laro o ang iyong pagmamay-ari o paggamit ng Laro ay lumalabag sa mga karapatan sa intellectual property ng third-party, ang Innersloth, hindi ang Apple, ang natatanging may responsibilidad sa imbestigasyon, pagtatanggol, pag-aareglo, at pag-aalis ng pananagutan sa anumang naturang habol sa paglabag sa intellectual property;
(g) isinasaad at pinapatunayan mo na wala ka sa anumang bansa na napapailalim sa paghihigpit ng pamahalaan ng U.S., o na itinalaga ng Pamahalaan ng U.S. bilang bansang “sumusuporta sa terorista”; hindi ka nakalista sa anumang listahan ng Pamahalaan ng U.S. ng mga ipinagbabawal o pinaghihigpitang partido; at wala ka sa anumang iba pang bansa o hurisdiksyon kung saan pagbabawalan ka ng naaangkop na batas na gamitin ang Laro;
(h) kailangan mong sumunod sa lahat ng naaangkop na tuntunin ng third-party kapag ginagamit ang Laro; at
(i) Kinikilala at sinasang-ayunan mo at ng Innersloth na ang Apple at ang mga subsidiary ng Apple ay mga nakikinabang na third-party ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at magkakaroon ang Apple ng karapatang ipatupad ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito laban sa iyo bilang nakikinabang na third-party.
22. Sumasaklaw na Batas at Hurisdiksyon
Ang lahat ng bagay na nauugnay sa Mga Laro at sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at ang anumang nauugnay na hindi pagkakasundo o habol ay sasaklawin ng at pakahuhulugan alinsunod sa mga lokal na batas ng Estado ng Washington, nang hindi ipinapatupad ang anumang pagpili o salungatan ng batas, probisyon, o panuntunan.
Ang anumang demanda, pagsasakdal, o paglilitis na dahil sa, o na nauugnay sa, Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ng Mga Laro ay dapat hiwalay na pagdesisyunan sa mga pederal at pang-estadong hukuman na matatagpuan sa King County, Washington, USA. Isinusuko mo ang anuman at lahat ng pagtutol sa paglalapat ng hurisdiksyon sa iyo ng mga naturang hukuman at sa paglilitis sa mga naturang hukuman.
23. Pagsusuko at Severability
Walang pagsusuko ng Innersloth sa anumang tuntunin o kundisyon na nakasaad sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ang ituturing na dagdag o nagpapatuloy na pagsusuko ng naturang tuntunin o kundisyon, at ang anumang pagkabigo ng Innersloth na igiit ang isang karapatan o probisyon sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay hindi ituturing na pagsusuko ng naturang karapatan o probisyon. Kung may anumang probisyon ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito na itinuturing ng hukuman o iba pang tribunal ng may kakayahang hurisdiksyon na walang bisa, ilegal, o hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ang naturang probisyon ay aalisin, o lilimitahan sa minimal na sakop nang sa gayon ay magpapatuloy na ganap na ipinapatupad at may bisa ang mga natitirang probisyon ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito.
24. Buong Kasunduan
Ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, ang aming Patakaran sa Privacy, Patakaran sa Mod, at Patakaran sa Fan Content at Mga Alituntunin sa IP, at ang aming EULA para sa naaangkop na Laro, kung mayroon man, ay ang natatangi at buong kasunduan sa pagitan mo at ng Innersloth tungkol sa Mga Laro at sinasapawan ng mga ito ang lahat ng dati at kasalukuyang pagkakaunawaan, kasunduan, pagsasaad at pagpapatunay, pasulat man o pasalita, tungkol sa kanilang paksa.
25. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin ng Paggamit na Ito
Maaari naming baguhin at i-update ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito paminsan-minsan ayon sa sarili naming pagpapasya. Ang lahat ng pagbabago ay agad na may bisa kapag na-post namin ang mga ito. Kung patuloy mong gagamitin ang aming Mga Laro, pagkatapos na i-post ang binagong Mga Tuntunin ng Paggamit, ipinapahiwatig mong tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang mga pagbabago. Inaasahang suriin mo paminsan-minsan ang page na ito nang sa gayon ay alam mo ang tungkol sa anumang pagbabago.
26. Ang Iyong Mga Komento at Alalahanin
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Mga Laro o tungkol sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, makipag-ugnayan sa amin sa [email protected].