MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT PARA SA MGA WEBSITE

Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Mayo 18, 2021

1. Pagtanggap sa Mga Tuntunin ng Paggamit na Ito

Ang mga tuntunin ng paggamit na ito, kabilang ang anumang dokumento na malinaw na isinasama sa mga ito (sama-samang tinatawag na “Mga Tuntunin ng Paggamit”) ay sinasang-ayunan mo at ng Innersloth LLC, na isang kumpanya sa Washington na may limitadong pananagutan (ang “Innersloth,” “kami,” “namin,” at mga derivative ng mga ito). Saklaw ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ang iyong paggamit ng aming mga website, kabilang ang  https://innersloth.com/ at ang mga subdomain nito (sama-samang tinatawag na “Mga Website”).

ANG MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO AY NAGLALAMAN NG NAPAKAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA IYONG MGA KARAPATAN AT OBLIGASYON, PATI NA RIN NG MGA KUNDISYON, LIMITASYON, AT PAGBUBUKOD NA MAAARING NALALAPAT SA IYO. PAKIBASA NANG MABUTI ANG MGA ITO. SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG ANUMAN SA MGA WEBSITE, SUMASANG-AYON KANG MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO AT SUSUNOD KA SA AMING MGA KAGAWIAN SA PRIVACY GAYA NG INILALARAWAN SA AMING PATAKARAN SA PRIVACY (MAKIKITA SA  HTTPS://INNERSLOTH.COM/PRIVACY.PHP) (ANG “PATAKARAN SA PRIVACY”) NA ISINASAMA SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO. KUNG HINDI KA SUMASANG-AYONG MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO O KUNG HINDI KA SUSUNOD SA AMING MGA PATAKARAN SA PRIVACY GAYA NG INILALARAWAN SA PATAKARAN SA PRIVACY, HUWAG GAMITIN ANG ANUMAN SA MGA WEBSITE.

Upang sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, ikaw dapat ay (a) 18 taong gulang pataas, o may pahintulot ng iyong magulang o guardian na sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at dapat ay (b) may kakayahan kang pumasok sa isang may bisang kontrata sa amin at walang anumang naaangkop na batas na nagbabawal sa iyong isagawa ito.

2. Patakaran sa Privacy

Napapailalim sa aming Patakaran sa Privacy ang lahat ng personal na impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng Mga Website. Ipaalam sa amin kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa aming mga kagawian na nauugnay sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit, pinoprotektahan, sino-store, inihahayag, at ipinoproseso ang iyong personal na impormasyon.

3. Merchandise

Ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay karagdagan sa mga tuntunin at kundisyon ng mga patakarang nakalista sa aming tindahan ng merchandise (na matatagpuan sa  https://store.innersloth.com/ at mga subdomain nito).

4. Mga Karapatan sa Intellectual Property

Ang lahat ng aspeto ng Mga Website, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa anumang work of authorship (hal., anumang trailer, larawan, tunog, atbp.), trademark, feature, o functionality, at iba pang intellectual property na nasa, bumubuo sa, at/o pangunahing bahagi ng Mga Website ay pagmamay-ari ng Innersloth, mga tagapaglisensya nito, o iba pang provider ng naturang materyal at pinoprotektahan ang mga ito ng copyright, trademark, patent, trade secret, at o iba pang karapatan o batas sa intellectual property o sa pagmamay-ari ng United States at ng ibang bansa.

©2015 Ang Innersloth LLC, Among Us™, Dig2China™, at The Henry Stickmin Collection™, at lahat ng nauugnay na laro, logo, pangalan ng produkto at serbisyo, disenyo, at slogan ay mga trademark ng Innersloth o ng mga affiliate o tagapaglisensya nito. Hindi mo dapat gamitin ang mga naturang marka nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Innersloth, at nakalaan sa Innersloth ang lahat ng karapatan. Ang lahat ng iba pang pangalan, logo, pangalan ng produkto at serbisyo, disenyo, at slogan sa Mga Website ay mga trademark ng mga kaukulang may-ari ng mga ito.

5. Feedback

Maaari mong piliing magbigay sa amin ng Feedback sa hindi pormal na paraan paminsan-minsan. Sumasang-ayon ka na magiging pagmamay-ari ng Innersloth ang, at na ibinibigay mo sa Innersloth, ang iyong mga karapatan sa intellectual property sa at sa anuman at lahat ng Feedback at na malaya ang Innersloth na gamitin, ihayag, i-reproduce, lisensyahan, ipamahagi, at gamitin ang Feedback na ibinigay rito, nang walang royalty, na ganap na walang anumang uri ng obligasyon o paghihigpit dahil sa mga karapatan sa intellectual property o iba pang bagay. Ang “Feedback” ay tumutukoy sa anumang feedback, ideya, o iminungkahing pagpapahusay na ibinibigay mo sa Innersloth tungkol sa Mga Website.

6. Mga Ipinagbabawal na Paggamit

Ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay nagbibigay sa iyo ng pahintulot na gamitin ang Mga Website at tingnan at gamitin ang content na nasa Mga Website para lang sa mga legal na layunin at alinsunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Walang karapatan, titulo, o interes sa Mga Website o anumang content nito na inililipat sa iyo, at nakalaan sa Innersloth ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinibigay. Ang anumang paggamit ng Mga Website na hindi hayagang ipinapahintulot ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at maaaring labag ito sa mga batas sa copyright, trademark, at iba pang batas.

Bukod pa sa mga obligasyong nakasaad sa itaas, sumasang-ayon kang huwag:

  1. i-reproduce, ipamahagi, baguhin, gayahin, ipakita sa publiko, isagawa sa publiko, muling i-publish, i-download, i-store, o ilipat ang anuman sa mga materyal na nasa Mga Website;
  2. i-access o gamitin para sa anumang pangkomersyong layunin ang anumang bahagi ng Mga Website o materyal na available sa pamamagitan ng mga ito;
  3. gamitin ang Mga Website sa anumang paraang lumalabag sa mga naaangkop na batas, samantalahin o saktan ang sinuman, magpadala ng advertisement o pampromosyong materyal, o magpanggap o subukang magpanggap bilang Innersloth o sinupamang tao;
  4. gamitin ang Mga Website upang magsumite ng o mag-link sa anumang content na mapanirang-puri, mapang-abuso, mapoot, nananakot, spam o kagaya ng spam, malamang na makapanakit, naglalaman ng pang-adult o hindi kanais-nais na content, naglalaman ng personal na impormasyon ng iba, posibleng lumabag sa copyright, naghihikayat ng ilegal na aktibidad, o lumalabag sa anumang batas;
  5. gamitin ang Mga Website upang labagin ang mga legal na karapatan ng iba, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga karapatan sa privacy, publicity, at intellectual property sa pamamagitan, bilang halimbawa, ng pangongolekta o pag-store ng anumang personal na impormasyon mula sa Mga Website tungkol sa sinuman nang walang kanilang malinaw na pahintulot;
  6. alisin ang anumang abiso tungkol sa copyright, trademark, o iba pang karapatan sa pagmamay-ari na nakasaad sa Mga Website;
  7. pahintuin ang paggana ng, pahirapan, sirain, o pahinain (o subukang pahintuin ang paggana, pahirapan, sirain, o pahinain) ang Mga Website o na manghimasok sa paggamit ng sinupamang tao sa Mga Website;
  8. magsagawa ng anumang iba pang pagkilos na nakakaapekto sa paggamit ng Mga Website ng sinupamang tao, o kung matutukoy namin na maaaring magdulot ng kapahamakan sa Innersloth ang naturang pagkilos;
  9. gumamit ng anumang robot, spider, o iba pang awtomatiko o manual na device, proseso, o mga paraan upang i-access ang Mga Website para sa anumang layunin, kabilang ang pagsubaybay o pagkopya ng anuman sa mga materyal na nasa Mga Website;
  10. baguhin, iangkop, isalin, o i-reverse engineer ang anumang bahagi ng Mga Website;
  11. gumamit ng anumang device, software, o routine na pumipigil sa maayos na paggana ng Mga Website;
  12. magpasok ng anumang virus, Trojan horse, worm, logic bomb, o iba pang materyal na mapaminsala o nakakasira sa teknolohiya;
  13. sumubok na makakuha ng hindi awtorisadong access sa, abalahin ang, sirain ang, o guluhin ang anumang bahagi ng Mga Website, kabilang ang anumang server kung saan naka-store ang Mga Website, o ang anumang server, computer, o database na nakakonekta sa Mga Website;
  14. atakihin ang Mga Website sa pamamagitan ng pag-atakeng denial-of-service o pag-atakeng distributed denial-of-service;
  15. o subukang guluhin ang wastong paggana ng Mga Website; at
  16. hikayatin o bigyang-kakayahan ang sinupamang tao na isagawa ang anuman sa mga nabanggit.

Bagama’t walang obligasyon ang Innersloth na subaybayan ang pag-access sa o ang paggamit ng Mga Website, mayroon kaming karapatang gawin ito para sa pagpapatakbo at pag-update ng Mga Website, upang matiyak na nasusunod ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at upang makasunod sa naaangkop na batas o iba pang iniaatas ng batas. Nakalaan sa amin ang karapatan, ngunit wala kaming obligasyon, na alisin, i-disable, o suspindihin ang access mo o ng sinumang user sa anuman sa Mga Website, anumang oras at nang walang abiso, kabilang ang, nang walang limitasyon, sa sitwasyon kung saan ang anumang aktibidad kapag ginagamit ang Mga Website ay maituturing namin, ayon sa sarili naming pagpapasya, na hindi katanggap-tanggap o labag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Mayroon kaming karapatang mag-imbestiga ng mga paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o ng pagkilos na nakakaapekto sa Mga Website, at na kumonsulta at makipagtulungan sa mga awtoridad ng tagapagpatupad ng batas upang maihabla ang mga user na lumalabag sa batas.

7. Pagtitiwala sa Impormasyong Naka-post

Hindi namin ginagarantiyahan ang pagiging tumpak, kumpleto, o kapaki-pakinabang ng anumang impormasyong nakasaad sa Mga Website. Ikaw lang ang mananagot para sa anumang pagtitiwala mo sa naturang impormasyon. Itinatatwa namin ang lahat ng pananagutan at responsibilidad na dahil sa pagtitiwala mo o ng sinupamang user ng Mga Website sa mga naturang materyal, o na dahil sa pagtitiwala sa mga ito ng sinumang maaaring inabisuhan tungkol sa anuman sa mga content ng Mga Website.

8. Mga link sa at mula sa Mga Website

Maaari kang mag-link sa aming Mga Website, sa kundisyong isasagawa mo ito sa paraang patas at legal at hindi nito nasisira ang aming reputasyon at hindi ito nasasamantala, ngunit hindi ka dapat bumuo ng link sa paraang nagpapahiwatig ng anumang anyo ng kaugnayan, pag-apruba, o pag-eendorso mula sa panig namin.

Kung ang Mga Website ay naglalaman ng mga link sa iba pang site at resource na ibinibigay ng mga third-party, ang mga link na ito ay ibinibigay para sa iyong kaginhawahan lang. Wala kaming kontrol sa mga content ng mga site o resource na iyon at wala kaming tinatanggap na responsibilidad para sa mga ito o para sa anumang pagkalugi o pagkasira na maaaring magresulta mula sa paggamit mo sa mga ito.

9. Mga Update at Pagbabago sa Mga Website at Pagiging Hindi Available ng Mga Website

Nakalaan sa amin ang karapatang bawiin o baguhin ang Mga Website ayon sa sarili naming pagpapasya nang walang abiso. Hindi kami mananagot para sa anumang dahilan kung bakit hindi available ang buo o ang anumang bahagi ng Mga Website anumang oras o para sa anumang panahon.

10. Pagwawakas

Maaari naming wakasan ang iyong access sa at paggamit ng Mga Website, ayon sa sarili naming pagpapasya, anumang oras at nang hindi ka inaabisuhan. Pagkatapos ng pagwawakas ng Mga Website, patuloy pa ring iiral ang Seksyon 4, 5, 7, 8, 9, 11, 12, 13, 14, 15, at 17

11. DISCLAIMER NG MGA WARRANTY

HAYAGAN KANG SUMASANG-AYON NA IKAW LANG ANG MANANAGOT PARA SA IYONG PAGGAMIT NG MGA WEBSITE. ANG MGA WEBSITE AT ANG LAHAT NG SOFTWARE, IMPORMASYON, CONTENT, MATERYAL, AT PRODUKTONG KASAMA SA O NA INILALAAN PARA SA IYO SA PAMAMAGITAN NG MGA WEBSITE AY IBINIBIGAY NG INNERSLOTH SA “KASALUKUYANG KUNDISYON” NG MGA ITO AT “KUNG AVAILABLE” ANG MGA ITO. HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, ITINATATWA NG INNERSLOTH ANG LAHAT NG URI NG WARRANTY, IPINAHAYAG MAN O IPINAHIWATIG, ISINABATAS, O SA IBA PA MANG PARAAN, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, ANUMANG WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, HINDI PAGLABAG, AT KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN. SA PARAANG HINDI NILILIMITAHAN ANG NABANGGIT NA, ANG INNERSLOTH O ANG SINUMANG NAUUGNAY SA INNERSLOTH AY HINDI NAGSASAAD O NAGPAPATUNAY NA ANG MGA WEBSITE, ANG SOFTWARE, IMPORMASYON, CONTENT, MGA MATERYAL, AT MGA PRODUKTO NG MGA WEBSITE, O ANG MGA ELECTRONIC NA KOMUNIKASYONG IPINAPADALA MULA SA INNERSLOTH TUNGKOL SA MGA WEBSITE AY MAGIGING TUMPAK, MAAASAHAN, WALANG ERROR, O HINDI NAAANTALA, NA IWAWASTO ANG MGA DEPEKTO, NA ANG MGA WEBSITE O ANG SERVER NA GINAGAWANG AVAILABLE ANG MGA ITO PARA SA IYO AY WALANG VIRUS O IBA PANG MAPAMINSALANG COMPONENT, O NA MATUTUGUNAN NG MGA WEBSITE ANG IYONG MGA PANGANGAILANGAN O INAASAHAN.

ANG NABANGGIT AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA ANUMANG WARRANTY NA HINDI MAAARING IBUKOD O LIMITAHAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS.

12. LIMITASYON NG PANANAGUTAN

HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NG PINAPAHINTULUTAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG INNERSLOTH, MGA AFFILIATE, TAGAPAGLISENSYA, AT PROVIDER NG SERBISYO NG MGA ITO, AT ANG KAUKULANG MGA MIYEMBRO, OPISYAL, DIREKTOR, EMPLEYADO, CONTRACTOR, AHENTE, TAGAPAGLISENSYA, SUPPLIER, SUCCESSOR, AT ITINALAGA NITO AT NG MGA ITO AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG URI NG SIRA, SA ILALIM NG ANUMANG LEGAL NA TEORYA, NA DAHIL SA O NAUUGNAY SA (A) MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO O SA (B) PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG GAMITIN ANG MGA WEBSITE O ANG CONTENT NG MGA ITO, KABILANG ANG ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHIHINATNAN, O MGA DANYOS NA PAMPARUSA, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA PERSONAL NA PINSALA, PANANAKIT AT PAGHIHIRAP, EMOSYONAL NA PAGKABALISA, PAGKALUGI NG KITA, PAGKALUGI NG TUBO, PAGKALUGI NG NEGOSYO O INAASAHANG SAVINGS, PAGKAWALA NG KAKAYAHANG GUMAMIT, PAGKAWALA NG GOODWILL, PAGKAWALA NG DATA, AT KUNG DAHIL ITO SA BATAS SA KAPABAYAAN (KABILANG ANG PAGKUKULANG), PAGLABAG SA KONTRATA, O IBA PANG BAGAY, KAHIT NA INAASAHAN.

ANG NABANGGIT AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA ANUMANG PANANAGUTAN NA HINDI MAAARING IBUKOD O LIMITAHAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS.

HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG KABUUANG HALAGA NG PANANAGUTAN NG INNERSLOTH NA DAHIL SA O MAY KAUGNAYAN SA (A) MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO O SA (B) PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG GAMITIN ANG MGA WEBSITE O ANG CONTENT NG MGA ITO AY HINDI LALAMPAS SA ISANG LIBONG UNITED STATES DOLLARS ($1,000.00 USD). ANG MGA PAGBUBUKOD AT LIMITASYON NG MGA DANYOS NA NAKASAAD SA ITAAS AY MGA PANGUNAHING ELEMENTO NG BATAYAN NG KASUNDUAN SA PAGITAN MO AT NG INNERSLOTH.

13. Pagbabayad-danyos

Sumasang-ayon kang ipagtanggol ang, magbayad ng danyos sa, at hindi papanagutin ang Innersloth, mga affiliate, tagapaglisensya, at provider ng serbisyo nito, at ang mga kaukulang miyembro, opisyal, direktor, empleyado, contractor, ahente, tagapaglisensya, supplier, successor, at itinalaga nito at ng mga ito mula sa at laban sa anumang habol, pananagutan, danyos, hatol, gantimpala, pagkalugi, gatusin, bayarin, o bayad (kabilang ang makatuwirang bayad sa abogado) na dulot ng o nauugnay sa iyong paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o sa paggamit mo ng Mga Website.

14. Sumasaklaw na Batas at Hurisdiksyon

Ang lahat ng bagay na nauugnay sa Mga Website at sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at ang anumang nauugnay na hindi pagkakasundo o habol ay sasaklawin ng at pakahuhulugan alinsunod sa mga lokal na batas ng Estado ng Washington, nang hindi ipinapatupad ang anumang pagpili o salungatan ng batas, probisyon, o panuntunan.

Ang anumang demanda, pagsasakdal, o paglilitis na dahil sa, o na nauugnay sa, Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ng Mga Website ay dapat hiwalay na pagdesisyunan sa mga pederal at pang-estadong hukuman na matatagpuan sa King County, Washington, USA. Isinusuko mo ang anuman at lahat ng pagtutol sa paglalapat ng hurisdiksyon sa iyo ng mga naturang hukuman at sa paglilitis sa mga naturang hukuman.

15. Pagsusuko at Severability

Walang pagsusuko ng Innersloth sa anumang tuntunin o kundisyon na nakasaad sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ang ituturing na dagdag o nagpapatuloy na pagsusuko ng naturang tuntunin o kundisyon, at ang anumang pagkabigo ng Innersloth na igiit ang isang karapatan o probisyon sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay hindi ituturing na pagsusuko ng naturang karapatan o probisyon. Kung may anumang probisyon ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito na itinuturing ng hukuman o iba pang tribunal ng may kakayahang hurisdiksyon na walang bisa, ilegal, o hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ang naturang probisyon ay aalisin, o lilimitahan sa minimal na sakop nang sa gayon ay magpapatuloy na ganap na ipinapatupad at may bisa ang mga natitirang probisyon ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito.

16. Buong Kasunduan

Ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at ang aming Patakaran sa Privacy ay ang natatangi at buong kasunduan sa pagitan mo at ng Innersloth tungkol sa Mga Website at sinasapawan ng mga ito ang lahat ng dati at kasalukuyang pagkakaunawaan, kasunduan, pagsasaad at pagpapatunay, sa pasulat o pasalita, tungkol sa kanilang paksa.

17. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin ng Paggamit na Ito

Maaari naming baguhin at i-update ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito paminsan-minsan ayon sa sarili naming pagpapasya. Ang lahat ng pagbabago ay agad na may bisa kapag na-post namin ang mga ito. Kung patuloy mong gagamitin ang aming Mga Website, pagkatapos na i-post ang binagong Mga Tuntunin ng Paggamit, ipinapahiwatig mong tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang mga pagbabago. Inaasahang suriin mo paminsan-minsan ang page na ito nang sa gayon ay alam mo ang tungkol sa anumang pagbabago.

18. Ang Iyong Mga Komento at Alalahanin

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Mga Website o tungkol sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, makipag-ugnayan sa amin sa  [email protected].

Have a question about Innersloth, merch, or fan art?

See FAQs

Be the first one to know when we launch new stuff.